Cherreads

Anong Pangalan mo

Song_OfficialX
7
chs / week
The average realized release rate over the past 30 days is 7 chs / week.
--
NOT RATINGS
352
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - ANONG PANGALAN MO.

EPISODE 1.

Isang Binata ang mahilig manuod ng mga pelikulang Zombie at mga tema ng katapusan ng mundo sa kanyang DVD Player. Ang pangalan niya ay AJ Preo. May edad na 30 taon na gulang at may online job sa internet bilang isang graphic designer. Silang dalawa na lang ng kanyang ina ang nakatira sa kanilang malinis at maliit na bahay. Ang bahay nila ay may dalawang kwarto, isang sala at isang banyo. May maliit din silang garahe na pwedeng magkasya lang ay isang tricycle.

" Busy ka na naman sa panunuod ng mga ganyang pelikula? ", ang tugon ng ina nya habang nagwawalis. " Nay naman, ito lang naman po ang libangan ko eh!", ang malambing na sagot ni AJ.

" Hindi ka lumabas at maghanap na ng girlfriend mo?, tumatanda ka na at ako din!", ang tugon muli ng ina sa anak nyang lalaki.

" Wag kang magalala nay, makakahanap din po ako, " ang sagot ni AJ habang nanunuod ng pelikulang Zombie.

" Ay, naku! AJ, ilang taon mo ng sinasabi yan skin. " ang sabi ng ina na nagwawalis sa gilid ng tv na pinapanuoran ni AJ at humarang kunwari sa t.v.

" Si nanay talaga oh, di ko Makita yung palabas, ang tugon ni AJ na pilit pinapanuod ang palabas habang nagwawalis ang kanyang ina.

Nang biglang yumanig ang paligid nila sa bahay ng 30 segundo at namatay matay ang ilaw nila at naputol ang panunuod ni AJ ng pelikulang Zombie.

" Dyos ko po, anung nagnyayari AJ?, ang takot na natigilan ang ina nya sa pagwawalis at pumunta sa ilalim ng lamesa nila.

Si AJ naman ay kalmado lang na nakaupo at nakikiramdam sa paligid.

" Nay,wala na pong lindol huminto na, " ang tugon ni AJ na palinga linga sa paligid.

Nakarinig sila ng sigawan at tili ng mga tao sa labas ng bahay nila.

Tumayo si AJ upang lumabas ng bahay.

" AJ?, saan ka pupunta?, baka kung anu nang nangyayari sa labas? Anak?, ang takot na tugon ng ina na lumabas na sa ilalim ng lamesa.

"Sisilipin ko lang po, nay! ", ang mahinahong tugon ni AJ.

Paglabas nya ng pinto nakita nya ang mga kapit bahay nya na nakatingin sa kalangitan na animoy may nakikitang kakaiba. Lumabas sya ng pinto ng bahay , napakunot ng noo at lumabas ng gate nila.

Tumingin din sya sa kalangitan at nabigla sa nakita…. Ano kaya ang nakita ni AJ?

Abangan ang susunod na episode..

#Jacksmithanderson