Umagang-umaga pa lang pero parang may shooting na ng isang makabagong historical drama. Hindi na winter, pero ‘di rin biro ang lamig. Umaambon sa buong Seoul, at parang nakikisabay ang panahon sa bigat ng araw. Lahat ng tao sa labas — naka-layered coats, may dala pang payong, parang ready sa red carpet ng ulan.
Isang itim na luxury car na may plate na hindi karaniwang numero ang biglang dumaan sa tahimik na highway. Papunta ito sa Céha Royal Estate, ang pinakatinatagong lugar sa Seoul na tanging mga elite lang ang nakakatuntong. Parang may sariling timezone at sariling batas — isang hiwalay na mundo.
Sa pagdating ng kotse, bumukas ang pinto at bumaba ang dalawang lalaking mukhang kinuha sa magazine cover ng mga CEO o secret agents. Maayos ang gupit, naka-black trench coat, at may aura ng "wag mo akong kausapin kung wala kang appointment." Pero hindi sila ang bida.
Sa loob ng kotse, may isang lalaking inalalayan palabas. Mahinahon ang kilos ng mga alalay. Dahan-dahan siyang lumabas, hindi dahil sa arte, kundi dahil… hindi siya makatayo.
Wheelchair.
Nakaupo sa isang matte black, high-tech na wheelchair ang lalaking mukhang galing sa ibang mundo. Sa unang tingin pa lang — gwapo. Hindi yung pa-cute. Yung tipong dangerous handsome. Matangos ang ilong, malalim ang mata, at may jawline na parang kayang maghiwa ng feelings. Kahit nakaupo, ramdam mong mataas siya. Hindi lang sa posisyon, kundi sa presence.
Suot niya ang isang custom-tailored dark charcoal suit na bagay sa build niya — manipis ang baywang, broad ang shoulders. Ang suit ay may velvet lapel, silver pins sa collar, at inner lining na may embroidered symbol ng Céha Royal Family. Hindi kumpleto ang porma kung wala ang black leather gloves na walang bahid ng dumi. Ang buhok niya, neatly styled pero mukhang effortless. Tipong kahit may bagyo, hindi gagalaw.
Tahimik ang buong estate nang dumating siya. Lahat ng staff — from chefs, butlers, hanggang sa mga gardeners — nakahanay at nakatungo. Ang iba halos hindi huminga.
"Welcome back, Your Highness," ani Lady Han, ang head ng buong estate, habang yumuko nang bahagya.
Tumango lang ang prinsipe. Walang salita. Pero sapat na ang tango niyang ‘yon para alam mong lahat dapat naka-align.
Habang inirampa niya ang wheelchair niya papasok ng main hall, may dalawang maid sa gilid na hindi nakatiis.
"Hala, hindi pala siya makalakad," bulong ng isa.
"Lumpo pala talaga ang prinsipe," sagot ng isa, medyo nanginginig ang boses.
Napalingon ang prinsipe. Isa lang. Isang tingin.
Tahimik ang buong hall.
Yung lamig sa hangin parang nawala — pero hindi dahil sa init, kundi dahil sa kaba. Yung klase ng kaba na parang... "pag nagkamali ka ngayon, last day mo na."
Hindi siya nagsalita. Hindi siya nagalit. Pero yung tingin niya, parang may X-ray. Kita mo sa mata niya na alam niya kung sino ang nagsalita, ano ang sinabi, at ilang taon na ‘yong kasalanan mong hindi pa niya pinapatawad.
Diretso siya sa elevator, kasama si Lady Han. Walang imik. Pagdating sa top floor — doon ang royal suite.
Pagpasok nila, sinundan siya ni Lady Han hanggang sa loob.
"Your Highness, everything is prepared as requested. Tomorrow po ay darating ang inyong bagong personal secretary."
Tahimik.
"Top graduate daw po, may background sa archery at taekwondo. Bata pa, pero may potential, sabi ng palace board."
Nakatitig lang ang prinsipe sa bintana. Kita ang buong Seoul. Ambon. Ilaw. Katahimikan.
"Ang pangalan niya ay Hana Ryu."
Wala pa ring tugon. Hindi niya nilingon si Lady Han. Hindi niya kinurap.
"I’ll leave you to rest, Your Highness."
Pagkalabas ni Lady Han, naiwan ang prinsipe sa loob ng kwarto. Malaki ang suite — minimalist pero mamahalin. May black-and-white na pintura ng bundok sa may dingding, at isang malaking glass table sa gitna ng kwarto.
Lumapit siya doon.
May isang maliit na framed photo.
Sepia ang kulay. Luma na. Dalawang tao sa loob ng frame — ang isa ay siya, nakatayo pa. Ang isa, isang babae na may hawak na payong.
Tahimik.
"Nakauwi na ako," bulong niya. Hindi para sa kahit sino. Para sa litratong ‘yon.
Binalik niya ang frame. Tiningnan ulit ang bintana. Umuulan pa rin.
Cut to black.
---
Sa kabilang banda ng Seoul — bahay ni Hana Ryu
Sa isang simpleng bahay sa Mapo District, nakahiga si Hana Ryu sa sofa. Naka-t-shirt, messy bun, may hawak na mug ng tangerine tea. Nakatingin sa ceiling na parang nakikipag-staring contest.
"Grabe naman ‘to… personal secretary agad? May pa-royal pa?"
Tumingin siya sa phone. May calendar notification.
> "REPORT TO CÉHA ESTATE — 6:00AM SHARP"
Tumingin siya sa sarili.
"Wala pa nga akong matinong heels."
Sabay tungo sa closet. Hinugot ang isang box.
"Please, sana bagay pa ‘to sa suit."
Binuksan niya — isang beige stiletto na may konting gasgas. Sinukat.
"Sakto pa rin. Yes!"
Napalingon siya sa calendar.
"Okay, Hana… bukas na ang start ng pagiging royal secretary mo. Pakitang gilas. Bawal ang ligwak."
Tumingin siya sa bintana. Ulan.
"Ang tanong lang… gaano ka-strikto ‘tong prinsipe na ‘to? At gwapo ba talaga siya gaya ng tsismis?"
Humigop ng tsaa.
"Kahit na. Secretary lang naman ako. Hindi naman ako papatol sa prinsipe. Right?"
Right?
CLANG.
May nahulog sa labas — parang metal.
Tumingin siya sa relo.
"Baka multo na ‘yan. O baka sign. Either way, see you tomorrow, Céha Royal Estate."