Dumaan si Tessa sa lumang campus. May kailangan siyang tapusin. Pero mas may gusto siyang balikan.
Si Zed ay nakaupo pa rin sa luma nilang bench. Parang hindi siya umalis.
"Akala ko hindi ka na babalik," sabi niya.
"Akala ko rin," sagot ni Tessa.
"Pero may naiwan pa pala ako dito… ikaw."
Tahimik. Walang sinabi si Zed. Inabot lang nito ang bote ng tubig.
Hinawakan niya ito — sabay. Hawak pa rin nila ang parehong routine.
"Tessa… hanggang kailan mo ako iiwan habang inaayos mo ang bagong mundo mo?"
Hindi siya makasagot. Pero ramdam niya — may isa siyang pusong nasasaktan kahit hindi niya sinasaktan.